Friday, June 4, 2010

MGA PANGUNAHING KULAY

I. Layunin:

1. nakikilala ang mga bagay na ang kulay ay pula, asul, at dilaw.

2. nababakat ng maayos ang mga larawan.
3. nakukulayan ng maganda ang mga bagay gamit ang pangunahing kulay.
4. nasasabi ang tulang ginamit.

II. Paksa: Mga Pangunahing Kulay

Mga Kagamitan: mga bagay na kulay pula, asul, at dilaw






III. Pamamaraan


A. Meeting Time
Tula:
Ang Pagpapakilala
Ako si mansanas

Prutas na masarap

Ang kulay ko'y pula

Pagkaing pampaganda


Ako naman si manga


Ang pambansang bunga

Sa Kulay kong dilaw

Mata mo'y lilinaw


At ako si dagat

Ang tubig na maalat

Asul ang kulay ko
Lahat ako'y gusto


B. Big Group


Kumuha ng isang larawan sa kahon.

Kilalanin at pagpangpakatin ayon sa kulay.

(mga bagay na kulay pula, asul, at dilaw)

Kilalanin ulit ang mga bagay ayon sa kanilang pangkat.


C. Small Group


Bakatin at kulayan ang sumusunod gamit ang mga pangunahing kulay.

(mansanas, manga, dagat)



IV. Story Telling
Kuwento: Ang Nawawalang Kuting
V. Indoor/ Outdoor Activities
Pangkatin sa tatlo ang mga bata.
Pangkat: Pula, Dilaw at Asul
Gagawin:
Maghanap at mag-ipon ng mga bagay na kakulay ng pangkat nila.
Ang pangkat na may pinakamaraming naipon ang siyang panalo.







































No comments:

Post a Comment

Post a Comment